The Fan Corner: What’s the ‘craziest’ thing you’ve done for your fave?

To our faves’ eyes, we are all fans. (Technically not all fans are made equal. That is an issue for another day.) It’s always our love that counts—not the money, not the merch, not the number of times you’ve seen and touched the hands of your bias. But there are just some fans who take their fangirling and fanboying a notch higher not because they want to become the “better” fans but because “ginalingan lang talaga nila.”

Last week, we asked everyone for the ‘craziest’ thing they have done for their favorite groups. Interestingly, we got stories that scream dedication! Take note, however, that by ‘crazy’ we do not mean ridiculously crazy, sasaeng-level stories. Many of us have had our tiny bits of delusional moments, and sometimes, feelings are just too difficult to contain, but KStreetManila promotes enjoyable fangirling and fanboying sans behavior that puts our safety and well-being at risk.

And so here is a compilation of some of the top ‘crazy’ stories we got that are just a perfect mixture of silly and love!

1 Advanced exam

Hmmm. Graduating ako nun eh. Tapang tapang di ba. Tapos concert ng exo last yr. Tapos prelim exams namin. Hindi ko alam gagawin ko kung ano ba ang uunahin ko. Magsisinungaling sana ako sa prof ko o kaya acting acting na may sakit para payagan niya akong mag-exam ng mas maaga yung morning class niya sa kabilang block. Pero di kaya ng konsensya ko. Nagpaalam ako,

“Sir pwede po ba akong mag exam ng mas maaga kasi po manonood ako ng concert sa hapon?”

I was so straightforward. Pero yung prof ko he’s an angel sent by God. Pumayag siya. Hahahaha. Super aware din kasi sya na kpop fan ako. Kala ko di nya ako papayagan. Hahahahaha. Tapos yun exam na tas sa hapon concert na. Inaasar asar pa ko ng buong klase nung mag-eexam kung excited daw ba ako ganun. Everyone in the classroom was so happy for me. Nakakatawa pero pagpasok ko ng room, nagpalakpakan sila. Hahahahaha. Kahit di naman sila kpop fan masaya sila for me. Tas yung classmate ko hinatid nya pa ko from dasma to moa arena. Hahahahaha. Tas after ilang days results came out from the test. Kala ko bagsak ako kasi walang laman utak ko nun kundi exo. Pero I passed. At nakagraduate naman ako. – Roselle

2 Super YOLO

Flying to Korea for Infinite’s That Summer 2 concert. Sobrang spur of the moment yung decision sa pagbook ng plane tickets. The concert was in August 2014, tapos nagdecide and nagbook ako July 2014. Bonus: concert tickets were sold out sa first day of selling, so I flew to Korea and camped outside the ticket booth, gambling with chances na makakanood ako or hindi. SUPER YOLO. I was able to watch though and the concert was amazing (LIVE BAND!!!) so I regret nothinggg!

Labyu pa rin Infinite, hahaha. Always have, always will! 💕 – Elaine

3 For better, for worse, for richer, for poorer

I work in this luxury fashion/lifestyle magazine pero hindi ako yayaman sa liit ng sweldo ko. Idagdag pa na sadyang never ako natutong mag-ipon. In short, laging almost zero balance ako bago ang sweldo day. Pero sabi ko, new year naman kaya magtabi tayo ng kaunti at magsimulang mag-ipon*.

Cue SHINee World PH’s pabebe clues na kesyo SHINee’s back nga raw at eto ang block seating plans. Wala akong balak pumunta at all sa One K kahit low key BANA at Baby ako, crush ko si Lee Jonghyun, at anak ko si Sungjae (fite me, he’s my son). Pero SHINee na ang pinag-uusapan dito, my first and main fandom–of course hindi pwedeng #TeamBahay ako!

Panalangin ko, kapresyo ng MBC Show Champion ang tickets, ~P8,000 for SVIP kasi there’s no way na uupo ako ulit sa Upper Box or even Lower Box. I was in UB nung Kpop Republic in Araneta for SHINee sans Minho and managed LB for Show Champ for VIXX sans Leo, but now I’m determined to watch SHINee in the flesh from SVIP section. But then, P9,000 ang ticket plus ticketing charge pa so almost P9,500.

Pero sa ngalan ng SHINee at ni Onew my love, i-push ang SVIP. Balak kong mag-downpayment scheme para mas abot-kaya pero walang kasiguraduhan na sa SVIP ako mapupunta kapag gano’n, based sa guidelines ng SWPH. Kaya sige, i-full na ‘yan. Tutal SHINee-fool (샤이니 바보) naman si ate mong girl.

Dalawang araw lang yata after ng sweldo, ticket pre-selling na. Sabi ko pa, 4am ako gigising para maaga ako sa venue at mauna ako sa magandang seat sa section 104 kung saan plano ng SWPH mag-block. Pero dahil galing ako sa work-related event the previous night at hatinggabi na ‘ko nakauwi, 9am na ‘ko nagising. Wala nang ligo-ligo. Hilamos na lang at bihis, sumugod na agad ako sa pre-selling. Two days after sweldo, nasimot ang laman ng ATM ko plus ‘kung kaunting *naitabi ko. Buti umabot pa ‘ko sa last five(?) seats available sa section 104.

Umuwi ako with approximately P300 sa wallet ko and the knowledge na may two weeks pa bago ang kasunod na sweldo. So hanggang saan aabot ang P300 ko ‘di ba? So pag-uwi ko, kinapa ko lahat ng bulsa ng pants at bags ko for spare coins and hidden bills. Tapos ‘yung mugmog na hundreds sa ATMs ko, winithdraw ko na lahat. Hassle pa kay BPI kasi dapat P500 minimum amount para maka-withdraw at less than P500 na noon ang laman ng BPI ko.

Before pre-selling, nagsabi ako kay jowa na hihiram ako sa kanya ng pera after kong bumili ng ticket. He understands my fangirling tendencies kaya nung siya na ang sumuweldo, hinatian niya ‘ko ng pera niya para mabuhay ako for the next two weeks.

Hindi rin naman ganoon kalaki ang sweldo niya sa work niya and may bills din siya na dapat bayaran since he’s reviewing na for his board exam kaya sabay kaming nagutom at nagtiis dahil sa–according to him–panlalalaki ko (LOL). Two weeks niya rin akong kinonsensya kasi nga naman, sobrang hindi praktikal ng ginawa ko. Gumastos ako nang malaki para sa isang concert na isang gabi lang at dalawang oras lang naman ang itatagal. Buti raw sana kung collector’s item na rare or album na, at least, pangmatagalan.

Sabay naming iginapang ‘yung two weeks (pinakamadugong two weeks ng buhay ko) na puro Ministop toppers/siomai-rice ang dinner para tipid, tubig-tubig lang, at pakape ng office (free two sachets ng 3-in-1 coffee every day). Nung maubos ang resources, nag-advance na siya sa office nila para tuloy ang buhay namin. Hanggang sa nag-advance na rin ako. At nung sukdulan na talaga, kapit ako sa pa-OT meal allowance ng office ko para may pang-dinner ako.

Naka-dorm ako sa Makati and dahil sa kagagahan ko, two weeks din akong hindi nakauwi sa family ko sa Bulacan dahil ‘yung ipapasahe ko sa bus, ipapangkain ko na lang.

You could imagine how happy I was when the next pay day came.

So ayun. Ang pakonswelo ko na lang sa sarili ko, worth it ‘yung pinagdaanan ko (damay pa jowa ko) at napuntahan ng P9,500 ko sa ngalan ng SHINee. Tapos ‘yung lesson na mag-ipon at magtabi ng emergency (concert) funds para kahit late mag-announce si AAP, may pang-SVIP. – Minnie

4 Wow Mali

The craziest thing I’ve done for my fave is going from Bacolod to Manila all by myself just to watch their concert. It was also my first time riding a plane and also riding a plane without anyone to accompany me lol. I also just turned 16 that time. Since it was my first time I was so clueless of what is going to happen. I even made a mistake when I was just on the boarding area. When I first came in I saw a line and I thought that was a line for boarding the plane and I didn’t even check out what they were lining for(considering i’m shy). I was kinda confused of what was happening so I just stood there at the end of the line. Then minutes later I found out that it was food they were lining for HAHAHAH. It was not even my airline’s LMAO. So i just sneakily searched for a seat and act as if nothing happened hahaha. When I was already on the plane, I didn’t even know how to properly put on the seatbelt, but gladly I had no seatmates. When I arrived at Manila, I just went with the flow of where the people were going. Thankfully, my relatives were there to fetch me. That’s the end of my crazy plane experience just to see EXO – Keilah

5 Oppa’s watching me

Idk kung included ‘to pero dati, yung poster ng Bangtan, nilagay ko sa malaking frame tapos nilagay ko siya sa cr namin nakasabit. Kaya minsan kapag naliligo ako medyo awkward hahaha then ngayon yung poster ko ng SEVENTEEN, parang nakatakip siya ng glass tapos nasa dining room namin siya. Then yung dalawa ko pa na poster nasa sala/living room namin 😂 – Rebie

6 Rescue truck

CNBLUE CAN’T STOP CONCERT 2014 – with the very special guest typhoon Mario, literal na sinuong ang baha at sumakay sa ‘rescue truck’ para makarating sa araneta
ps. di ako pinayagan umalis ng bahay pero tumakas ako 😂😂 tsaka lang ako nagtext ng sobrang bonggang sorry sa mama ko nung nasa venue na lol – Angelica

 

And these are the top stories we got from you! Which do you think is the craziest? How about you, what are your stories? Tell them in the comments section below!


Written by Dan Gambe

Written by