K-Pop Meets OPM: Pinoy Songs Na Kinanta Ng Korean Idols

Agosto nanaman, ang Buwan ng Wika! Sa loob ng tatlumpu’t isang araw, ipinagdiriwang natin ang wikang Filipino sa bawat anyo ng pagpapahayag nito—sinasalita man, sinusulat, o kinakanta. At dahil kaisa niyo ang KStreetManila sa selebrasyong ito, handog namin sa inyo ang aming Buwan ng Wika Special!

Alam naman natin na maraming talento ang mga Pinoy, lalo na sa musika. Ang mga kanta natin ay kinikilala at nagugustuhan din ng mga tao sa iba’t ibang parte ng mundo, kasama na ang mga Koreano. At dahil kilala rin tayo bilang isa sa mga pinakamasigasig na fans sa mundo, hindi na nakakagulat na ang mga artistang pumunta rito ay magbibigay ng dedikasyon sa Pinoy fans, sa pag-awit ng mga kantang Pinoy.

Narito ang ilang pagkakataon na kumanta ng OPM ang ating paboritong K-Pop idols:

EXO

Hawak Kamay – Dream K-Pop Fantasy Concert 2013

2013 ang unang beses na pumunta ang EXO sa Pilipinas para sa unang Dream K-Pop Fantasy Concert, at ginulat nila ang kanilang fans nang kantahin nila ang isa sa classics ni Yeng Constantino. Simula nito, Hawak Kamay na ang naging theme song ng EXO at Filipino EXO-Ls.

INFINITE

Bahay Kubo – One Great Step in Manila 2013

Noong sinabi ng INFINITE na may espesyal silang kakantahin, hindi siguro katutubong kanta ang nasa isip ng mga Pinoy Inspirit.

NOM (No Other Man)

Pusong Bato – KPOP Festival 2014

Bago tuluyang mag-disband ang NOM, pinatikim nila tayo ng makabagbag-damdaming Pusong Bato nang magpunta sila dito sa Pilipinas noong 2014.

Alexander Lee Eusebio

Bebot – U-KISS Live in Manila 2014

Nauna na nating mapakinggan ang Tagalog skills ng ating Korean jagiya na si Alexander nang kantahin niya ang Black Eyed Peas hit na ito bilang miyembro ng U-KISS sa concert nila noong 2014.

A.Prince

Nasayo Na Ang Lahat – Dream K-Pop Fantasy Concert 2 2014

Pinakilig ng A.Prince ang mga nanood ng ikalawang Dream K-Pop Fantasy Concert sa pag-awit ng maituturing na pinakasikat na kanta ni Daniel Padilla.

GOT7 Bambam

Ngiti – First Fanmeeting in the Philippines 2015

Tiyak na napangiti ang mga dumalo sa fanmeeting ng GOT7 nang pa-sample-an sila ng Thai member na si Bambam ng kanyang Tagalog song.

OFFROAD

Huwag Ka Nang Humirit – OFFROAD Horizon: The First Mini Concert in Manila 2016 / ShowBT Night 2016

Wala na talagang nasabi ang mga dumalo sa first mini concert ng OFFROAD nang biglang mag-perform ang grupo ng kanta ni James Reid.

OFFROAD

Awitin Mo, Isasayaw Ko – Game Tayo sa 2017: TV5 New Year Countdown

Disco feels ang mga nanood sa Quezon Memorial Circle, pati ang mga Team Bahay, dahil sa masiglang performance ng OFFROAD ng VST & Co classic na ito.

BTOB Eunkwang at Hyunsik

Anak – One K Global Concert 2017

Sa tulong ng aktor na si Cesar Montano, inawit nina Eunkwang at Hyunsik sa isang special stage ng One K Global Concert 2017 ang classic song na ito ni Freddie Aguilar na kilala sa maraming parte ng mundo.

Kriesha Chu

Kung Ako Na Lang Sana – Super Pop Con PH 2017

Runner-up man sa KPop Star 6 ay hindi nalilimutan ni Kriesha ang paglaki niya sa Pilipinas. Pinakita niya ito sa una niyang concert pagkatapos ng kanyang debut, sa pag-awit ng kanta ni Bituin Escalante.

Mabuhay ang OPM at K-Pop! May hindi ba kami naisama sa listahan? Anong OPM song ang gusto niyong awitin ng paborito niyong K-Pop idol? I-share niyo naman sa comments!


Isinulat nina Bea Mandac at Mindy Dela Cruz

Written by