“ARE YOU THE AMEN?” Meet the EXO-L who broke the internet with her viral skits!

“Are you the Father? The Son? The Holy Spirit? Are you the Amen?”

Kung familiar ka sa linyang ‘yan, malamang nakita mo na ang kaniyang viral video sa social media. She is Yani, o mas kilala sa kaniyang Twitter username na @yanihatesu (read “Yani Hates You”). Sixteen years old, a graduate of Pasig City Science High School, and is now a Grade 11 senior high school student of the University of the East Manila.

At kung nagtataka kayo bakit narito siya sa KStreetManila fan features, well, she’s a K-Pop fan! Yes, di kayo nagkamali ng nabasa. Isa po siyang certified K-Pop fan. Dumaan sa fandoms ng Boyfriend, BTOB, at INFINITE, ngayon ay isa siyang tunay na EXO-L na nagmamahal kay Baekhyun (although hindi pa rin niya nakakalimutan si Myungsoo). Dahil sa sobrang witty at funny niyang videos, naisipan namin siyang kitain para malaman paano ba ang takbo ng kaniyang utak at nagagawa niyang mapasaya ang halos lahat ng tao through her videos.

Hindi na kami magpapatumpik-tumpik pa. Read on and learn more about this talented girl na nagpapasakit sa tiyan mo sa kakatawa!

Can you explain to us the reason why you started doing viral videos? Was there a particular reason?

I studied in a science high school. Kapag science high school kasi, sobrang lala ng workload. As in ang dami niyo talagang ginagawa. And yung videos, nag-start lang siya sa kalokohan lang talaga. Nagja-jam lang ako sa favorite song ko. Usually kapag gumagawa ako ng ganun, gusto ko lang takasan yung responsibilidad ko *laughs*. Pagod na pagod kasi ako nun tapos ayaw kong gumawa ng schoolwork so naisipan kong mag-video. Then kinabukasan, yung mga schoolmates ko nilapitan nila ako. Sabi nila ang funny raw ng video na ‘yun (her first video) and parang…since lahat kami ang daming ginagawa, naging stress-reliever nalang din yung video sa kanila. Kumbaga, stress-reliever ko na siya dati talaga tapos naging sa kanila na rin, tapos naging stress-reliever na siya ng buong school namin. Di ko talaga in-expect na magva-viral siya kasi ang audience ko lang talaga dati is yung schoolmates ko.

How do you do it? Do you plan or do you simply do it randomly?

Pinaplano ko siya na gumagawa…nililista ko yung concept pero unlike yung other influencers na may schedule talaga sila na this day maga-upload sila ng video, [ako] hindi. Dati kasi ginagawa ko lang siya kung kailan ako stressed, kung kailan may naisip, at…ayon, di ko siya pinaplano na may script na sobrang detailed. Nililista ko lang yung lines na gusto kong ilagay, and yung pinaka-concept, tapos kapag nag-video na ako, doon na lahat. Kaya minsan ang daming nadadagdag. Nakakailang takes pa ako. Kasi minsan, dito sa unang take, wala run yung line na gusto ko tapos may nadagdag. So ulit nanaman.

How does it feel that your comic videos have gone viral?

First, siyempre nakaka-flatter kasi di ko naman siya intention na mag-viral kasi wala naman talaga akong target audience, na hindi ko pinlanong mag-ganito (mag-viral). For my schoolmates lang talaga. So nung nag-viral siya, nag-start siya run sa list of 2017 crushies. Iyon, yung video na ‘yon, nung nag-start mag-viral [parang], “Hala.” Nakakatuwa kasi dati cinelebrate ko pa talaga nung naka 100 RTs (retweets) palang ako hanggang sa next videos, nag-viral na siya nang nag-viral. Ang nakakatuwa pa run, yung mga favorite accounts mo sa Twitter fina-follow ka na nila. Nakaka-flatter.

Which of the videos you have posted is your most favorite so far? Why?

Favorite ko siguro yung “Choir.” Kasi kapag nakita niyo yung hitsura ko run, halatang naisip ko lang siya nung nakahiga ako then tinake ko na siya. Yun na yun. Para sa akin yun yung pinakamadali and pinaka-natural.

Have you done any viral video that is K-Pop related?

Kasi most of my videos na nag-viral, skits diba. Wala pa akong nagagawa na K-Pop related na nag-viral pero may videos ako na maraming RTs [like] yung nakuha ko yung magazine ni Baekhyun saka yung pinayagan akong [um-attend ng] concert.

What do you think makes your videos funny?

Hindi ko rin alam! *laughs* Di ko nga alam na funny siya. Parang ganito yung feeling. Kapag kinilit mo sarili mo, hindi ka matatawa diba? Pero feeling ko kasi nakakatuwa yung zoom-ins? Saka yung lines. Yung punch lines. Sinasadya ko kasi yun. Yun yung lines na nililista ko kasi gusto ko marinig nila. For example, yung “Are you the amen?” Actually nung una “Are you the Father? Are you the Mother?” lang yun. Napasok lang yung “Are you the amen” nung mismong nagvi-video na. Feeling ko talaga yung punch lines yung nagpapa-special kasi nagagamit siya ng ibang tao.

What does your friend or family/parents tell you about your viral content?

Noong una, hindi alam ng parents ko na gumagawa ako ng videos kasi sa Twitter ko siya ina-upload. Kaya ko nga siya sa Twitter ina-upload kasi ayoko makita ng mga tao sa Facebook. Nung unang time na may nag-viral akong video, yung “Crushies” nga, pinost siya sa Facebook without my permission. Pero nung time na ‘yun hindi pa ako inis kasi, “Okay, pinost siya sa FB para maka-gather siya ng attention.” Nung shinare ng mga tao, nakita kong shine-share ng friends ko, nakarating na sa mga kamag-anak ko, sa nanay ko, nakalagay pa yung username ko, yung “yanihatesu,” dun nalaman ng nanay ko yung Twitter ko. Hanggang ngayon ini-stalk ako ng nanay ko. Hinahayaan ko nalang siya kasi ‘yun lang yung lang yung way niya para malaman niya mga bagay-bagay.

Ayun, [nung nalaman nila] ang una nilang sinabi sakin, “Yani magiingat ka, may lahi tayong baliw.” Kasi lagi nilang sinasabi ‘yun! Jusko po. Di ko alam kung natawa ba sila [sa video] o parang nagulat sila. Tapos gumawa ng compilation yung FTTM (Follow The Trending Movement)—nagpaalam naman sila nun—iyon na yung in-acknowledge na siya ng buong barangay namin sa Pasig! Yung friends ko parang, “Ah ito kapitbahay namin ‘yan!” Then yung tito ko, minessage niya ako. Sabi niya, “You’re doing great.” Ipagpatuloy ko lang daw. Support naman sakin sina mama at papa kaso pag nagvi-video talaga ako…nung time na hindi pa nila alam, kapag naririnig nila ako magsalita mag-isa, akala nila nababaliw na ako! Ngayon ko lang siya nalaman kasi ngayon ko lang din talaga sinabi na nagvi-video ako. Yung asawa ng pinsan ko, dati pala kapag naririnig niya akong nagsasalita [sa kwarto], sinasabi niya sa tita ko, “’Nay nagsasalita nanamang mag-isa si Yani.” So ayun, yung reaction talaga nila was weird pero ngayon normal nalang na may sumisigaw sa sulok. Ako ‘yun.

Do you prefer to be viral among the general public or within a specific community only like K-Pop fans?

Honestly, ayoko talaga ng general public. Kasi ako laging nagpapatawa, yung humor ko, medyo iba. Siyempre nung una hindi ko talaga target yung K-Pop community pero nung nag-start na ma-acknowledge ako sa kanila, ang flattering para sakin kasi ayun yung tao ko, doon ako belong. K-Pop fan ako e. Pero ayun…if it makes them (the general public) happy, okay lang. Di na ako aarte.

Does your audience stop you or make you change the way you create your videos?

Hindi naman. Pero since naka-gather ka na ng bigger audience, mas prone ka sa criticisms. Iba-iba naman tayo ng humor diba? For other people, they won’t find it funny, yung videos ko. Since nag-viral siya, may mga unnecessary comments na naka-mention pa ako, like “Naiirita ako sa babaeng iyan,” or “Ang OA.” E hindi ko naman shino-shove yung videos ko sa kanila. So siguro, ayun nga kapag bigger audience at hindi mo sila napipili, may mga tao talagang ida-drag down ka.

What advice can you give to those who wish to create the same content as yours?

Since hindi ko naman siya pinlano…siguro, be natural. Feeling ko kaya siya (the videos) funny for other people kasi ayun talaga ako. Kapag gumawa kayo ng ganitong content, huwag na huwag niyong iko-compare ang sarili niyo sa ibang creators. Dati kasi, nung nag-start akong maging viral, nagkaroon ako ng feeling na parang gustong makipag-compete sa iba. Pero napigilan ko naman siya kasi it’s really not good. Made-drain ka sa ginagawa mo at di mo na siya mae-enjoy. I-enjoy mo lang talaga siya, huwag mo siyang hayaang maging burden, and do your thing. Iba ka kasi. Kung ano yung brand mo. Ako, naging brand ko yung zoom-ins and yung punch lines ko. Kung nagawa ko, for sure magagawa mo rin. Be original. May mahahanap ka rin sa kaibuturan ng pagkatao mo. Saka huwag mo rin hayaang ma-consume ka masyado [ng virality]. I-control mo rin yung pag-engage mo sa social media. And kung gumagawa ka ng content, alam mo pa rin dapat yung priorities mo: acads, work or career, or whatever.

Anything else you want to share?

Thankful ako kasi nung in-approach niyo (KStreetManila) ako, tapos K-Pop publication pa, ang saya talaga ng feeling na nakaabot ako sa K-Pop community. Tapos nakaka-flatter kapag may nagsasabi na, “Oh my god! EXO-L siya.” Parang feeling mo may significance at achievement ka na sa fandom mo. Ayun, thankful ko lang na may kapwa ako EXO-Ls na natatawa sa videos. And naa-appreciate ko rin yung mga nagme-message sakin para mag-thank you dahil sa videos ko. Thank you rin kasi di ko naman siya pinlano. And…if you don’t find it (the videos) funny, lagpasan mo nalang. Huwag na kayong mag-comment. Ibig sabihin nun hindi para sa inyo yung videos.

Written by